Shanti Dope – Materyal (lyrics) [ Full song ]

No copyright infringement intended. ALL COPYRIGHTS BELONG TO SHANTI DOPE and UNIVERSAL RECORDS. I do not own the song. From Shanti Dope album Materyal. Support OPM! Photo from Adam Birkett

source

24 Comments

  1. Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
    Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
    Dito sa ibabaw ng mundo
    Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
    Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
    Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
    Dati nasa panaginip lang ang binibini na
    Naging rason ng kada gising ko sa umaga
    Kung magmahal kakalangita'y nagiging kama
    Parang gabi-gabi kung makasiping ko si darna
    'Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman
    Ang ibig sabihin ng kayamanan
    Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan
    Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan
    Bagong telepono, magara na sapatusan
    Ayun ay 'di ko maibibigay ang iyong layaw
    Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo
    Na laging ikalabing-apat ng Pebrero kada araw
    Halik mo ay hindi kayang tuldukan
    Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
    'Di ka man mahandugan kahit maski pandesal
    Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal
    Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
    Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
    Dito sa ibabaw ng mundo
    Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
    Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
    Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
    Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin
    Madalas lang talaga 'kong kailanganin dun sa amin
    Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin
    Makasibat na nga, nanlalamig ka na ba sa'kin
    Nako sana 'wag naman, gustuhin ko mang agaran
    Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa
    'Wag kang mag-alala sa aking kalagayan
    Sa ngayon ay kaya ko ng ibigay sa'yo ang kalawakan
    Habang nakahiga't magkahawak ang kamay
    Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay
    Tawanan hanggang sa mag-umaga
    Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray
    Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
    Mga bagay na sana'y nagawa pa natin noon
    Kung 'di ako nakatulog ng nagmamaneho't gisingin
    Ng dalawang higanteng ilaw na sa'kin pasalubong
    Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
    Karangyaan, kayamanan na pwede mong hawakan
    Dito sa ibabaw ng mundo
    Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
    Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
    Na 'di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
    Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang
    Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin
    'Di ka man kayang yakapin
    Nagawa kang tabihan ng ako lang ang may alam

Comments are closed.

© 2024 Lyrics MB - WordPress Theme by WPEnjoy