Ipagtatapat na – (Official Lyrics Video) Groundfirst ft. Breezymix JEbeats production



Ipagtatapat na
Groundfirst ft. Breezymix

Music beat by: JEbeats production

Chorus:
Halika na’t sumama sa makabagong mundo
Bituin at ang buwan iaalay sayo
Ika’y prinsesa ako’y alipin mo
Pagsisilbihan maging sa pagtulog mo

1st verse:
Isang makata ang pagmamahal tangeng sandata, sa lapis at papel nailabas aking nadarama

Sa isang binibini na taglay nya’y kakaiba, sadyang mahiwagang puso ko’y nabihag nya

At sa tuwing ikaw ang aking nakikita, tila tumitiklop na parang makahiya

Na para bang ako’y inaalipin na ng kaba, nababahala na baka’y mabalewala

At Ang lakas ng dating sa t’wing, puso ko’y tinatangay kahit san man makarating

Ako’y napapraning kapag sya’y aking nasilayan, di ko namalayan nahulog ng tuluyan

Chorus:
Halika na’t sumama sa makabagong mundo
Bituin at ang buwan iaalay sayo
Ika’y prinsesa ako’y alipin mo
Pagsisilbihan maging sa pagtulog mo

Halika na’t sumama sa makabagong mundo
Bituin at ang buwan iaalay sayo
Ika’y prinsesa ako’y alipin mo
Pagsisilbihan maging sa pagtulog mo

2nd verse:
Ipagtatapat ko na ang aking nadarama
Ang lihim na pagtingin na hindi mo napupuna

Ang matagal ng nakadimdim sa puso kung eto
Sinisigaw ng puso ko pag-ibig kong buong-buo

Nabuo kong pagmamahal na lagi ko pangdinarasal
Yan ang tangan tangan ko, dahil ika’y aking mahal

Na sana’y yong mapansin kahit ako’y ligaw tingin
Nang di binubulong sa hangin ang aking saloobin

Dahil ikaw ang binibining matagal ng minimithing
Kaya’t aking dalangin iyo sanang mapansin

Pagbigyan mo lang ako minsan na lamang humiling
Kaya’t sa puso mo ako’y iyo ng papasukin

❤💙💚💛💜

Chorus:
Halika na’t sumama sa makabagong mundo
Bituin at ang buwan iaalay sayo
Ika’y prinsesa ako’y alipin mo
Pagsisilbihan maging sa pagtulog mo

3rd verse:
Sa pag gising sa umaga naka abang na sa bintana
Para aking masilayan ang maganda mong mukha

Pilit inaabot ang langit kahit wala namang panungkit
Para lamang makilala kahit na ako’y sumingit

Sa awitin kung ito’y sana iyong mapansin
Hindi sasarap ang ulam kung wala ang asin

Pagkat maraming manliligaw na gusto sayong umagaw
Hindi ako susuko kahit kumain pa ng lugaw

Ikaw lamang ang tangi kung hinihiling
Kahit ako ay sumabit pa sa dingding

Parang litrato na hindi mapansin
Peru garantisado at ika’y mapapatingin

Ipapakita ko istilo ko na aking alam
Kahit ako ay magkalubog-lubog sa utang

Ikaw ang iibigin ko please naman pakinggan mo
Tibok ng puso ko para lamang sa iyo

Chorus:
Halika na’t sumama sa makabagong mundo
Bituin at ang buwan iaalay sayo
Ika’y prinsesa ako’y alipin mo
Pagsisilbihan maging sa pagtulog mo

By: Groundfirst ft. Breezymix

source

2 Comments

Comments are closed.

© 2024 Lyrics MB - WordPress Theme by WPEnjoy