July 6, 2022

HALIKA NA – XBatasan (Official Lyric Video)



The official #Lyric Video of #HalikaNa by #XBatasan.

Xbatasan makes it an old school rap affair with this sing and rap original titled “HALIKANA.” Xbatasan is Cyresse Convocar, Efren Diesta, Rhod Arbie Aban, Raymart Sadang, Gilbert Canales, Rex Aeron Restum and Jomar Cabaña. This rhyming crew is the brains behind this promising Hiphop group and they’re off to a good start with this hook and verse styled number. The group shares that “HALIKANA” is about having dreams and striving for it to the best of one’s capability, though their delivery is catchier than this description.

HALIKANA
XBatasan

Composed by Cyresse Convocar, Efren Diesta, Rhod Arbie Aban, Raymart Sadang, Gilbert Canales, Rex Aeron Restum, Jomar Cabaña
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by ASER JOVE
Arranged by ASER JOVE
Mixed and mastered by ASER JOVE
Recorded byASER JOVE
Production House: Asero Records

LYRICS

‘Di man magkakadugo kapatid ang turingan
Pamilya aming binuo hindi lang basta samahan
At kahit na anong dilema kami’y nagtutulungan
Pasahan ng kaalaman ay nagsisilbing daan
Upang aming makamit Mga minimithi sa buhay
Sa araw na sisikat mas lalong pinag titibay
Nang sa gayon mga pangarap mabigyan ng kulay
Wala pa man kami ngayon na hawak na patunay

Sa kada pasok ng araw laging baon ay ngiti
Hinding hindi mabubuwag Nang dahil lang sa salapi
Gagawin ng sama-sama ng maani ang binhi
Lahat aming gagawin upang kayo’y mapangiti
Kahit saglit na sandali nais namin isa lamang
Para po sa inyo mas lalo naming sisipagan
Tiyaga ang pinuhunan aking pagmamalaki
Grupo naming Xbatasan in the place to be

Halika na sama-samang harapin
Walang problemang ‘di kinaya
Sama-sama tayo wala nang hihinto
Puso ang aming puhunan ‘di mabibigo
Halika na sama-samang harapin
Walang problemang ‘di kinaya
Sama-sama tayo wala nang hihinto
Puso ang aming puhunan ‘di mabibigo

Kami dito’y sama-samang aangat yeah
Bubuhatin namin kahit mabigat yeah
Dala ang respeto sa ‘ming kada dayo
Tagumpay ay aasahan kung sakali mang palarin
Kailan man ‘di na uso sa ‘min sumuko
Tala ay aabutin hanggang sa dulo
Kahit pa na sobrang hirap
Matumal ang nakakalap
Hanggang ang daan sa amin maituro
Uusad kami ng walang tinapakan
Hanggang makilala ang aming pangalan
Uusad kami ng walang tinapakan
Hanggang makilala ang aming pangalan

Halika na sama-samang harapin
Walang problemang ‘di kinaya
Sama-sama tayo wala nang hihinto
Puso ang aming puhunan ‘di mabibigo
Halika na sama-samang harapin
Walang problemang ‘di kinaya
Sama-sama tayo wala nang hihinto
Puso ang aming puhunan ‘di mabibigo

Yo wazzup I’m king bano
Tuloy tuloy ‘di mapahinto
Ang arangkada ng grupo ay ‘di mabibigo
Marami man ang nagsasabi kami ay huminto (no)
Tuloy tuloy lang ang aming mga pangarap
Nanggaling sa wala ngayon kami’y lumalaganap
Tiyaga aming puhunan dahil sa pagsusumikap
Maabot namin at makilala at kami’y sumikat

Aking naging pangunahing kabuhayan ay basahan
Minsan naranasan sa daan ang makipagsabayan
Sinubok ng panahon ‘di huminto at inagapan
Para sa aking inaasam na kaginhawaan
Pagod ‘di iniinda basta’t para sa pamilya ay handa ‘kong takbuhin
Kahit layo milya-milya kasama ang pamilya
Sobrang labo na manghina sa ‘ming bawat pagbuo
Hindi nauubos ang tawa
Masasabi ko ang grupong ‘to ang pinaka da best
Pwes kung gusto mong sumama lika dito tara lets
Sisikapin namin kung ano mang gustong marating
At pagdating na sa taas marami ang lilingunin

Samot-sari ang ngiti sa una naming paglabas
Kami ang magpapatunay na walang pagwawakas
Minsan dapuan man ng malas meron pa ring palabas
Para sa inyong lahat patuloy kaming tutuklas
At habang nakangiti gagawin kung ano’ng dapat
Sama-samang hihikbi dahil sa aming pangarap
Matupad yun ay ‘di kailangan sa ‘min pataasan
‘Saka niyo makikita ang aming pinaghirapan
Sama-samang aangat ng walang tinatapakan
Kami’y galing sa wala kaya patas kaming lumaban
Sisigaw ng malakas ang aming nabuong pangalan
Pag nangyari ‘yun lahat ay dun na natin pagusapan

Yow sama-sama tayo ating mga kapatid
Samahan ng grupo namin ay hindi mababatid
Mga pangarap namin ngayon ay aming makakamit
Kahit sa ‘min marami ngayon ang hindi bumibilib
Gusto namin na maging hindi na ipagpapabukas
‘Di pupwedeng umiling ang laging hanap ay lunas
Sa aming pagtatawag ay ‘di na isip ang sumuko
Madali na lang punasan bawat pawis na tutulo
Ito ‘yung pakikisamang masasabi hanggang dulo
Sama-samang aangat sama-sama ring tutungo
Sa ‘ming byahe ay tiyak tuloy tuloy aangat lagi sa paruruonan
Sama-sama ang lahat

SUBSCRIBE for more exclusive videos:

Follow us on:
Facebook:
Instagram:
Twitter:
Tiktok: @viva_records
Spotify: VIVA RECORDS
Snapchat: Viva Records

source

Comments

comments