Title Song: Buang
Song Artist: Jhay Crash Ft. NckDeezy
Music Arranger: Jhay Crash
Recording Studio: Robada Fam Records
True Story Telling: Jr Buang/Prinsipe Uno
#JhayCrashTV #RobadaFamRecords #Subscribe
“BUANG TRUE STORY TELLING”
Chorus:
Hindi hadlang ang naranasan
para mag bagong buhay
Ilang beses mang nalagay
sa alanganin at paa ay
nasa hukay
Wag kang bumase sa itsura
gawin mokong patunayan
na kahit dati mang gago
mas pinili kong magbago’t
kinalimutan at kailan ma’y
di na babalik
1st verse:
Hindi nako katulad ng date
ako’y laman palagi ng kalye
Umaga ko’y sasapit tuwing gabe
ang pangalan kong buang ang palage
Nilang bukang bibig sa lugar
kung saan maraming animal
Marami ang halang mga kriminal
binansagang buang kilalang brutal
Panahon pa ng kapusukan kung sinong madaanang naka tambay ay aking puputukan
Mainit sa lahat ng kapulisan pag na tyempuhan siguradong may kalalagyan
Ako’y hubog na sa nakasanayan ko
lahat na ata ng mali inaral ko
Wala na din akong ibang sinasanto
bitbit ko lang palagi pag katao ko
Chorus:
Hindi hadlang ang naranasan
para mag bagong buhay
Ilang beses mang nalagay
sa alanganin at paa ay
nasa hukay
Wag kang bumase sa itsura
gawin mokong patunayan
na kahit dati mang gago
mas pinili kong magbago’t
kinalimutan at kailan ma’y
di na babalik
2nd verse:
Hanggang sa ako ay mangulungan ng ilang taon
halos ginawa ko ng tahanan ang kulungan non
Patong patong na kaso kong hindi mabilang
sakit nako ng ulo ng aking magulang
Tanggap ko na kung ito ang kapalaran ko
pero eto lang ang tinaga ko sa bato
Susubukan kong hanapin ang sarili ko
hanggat akoy merong pagasa pang natatamo
Husgahan man ako ng iba ay wala kong pake kung yan ang gusto nila
Matatama ko din ang maling nagawa kung hindi man ngayon baka bukas makalawa
Kahit burdado ng tattoo at labas pasok sa kulungan di ko pinag sisisihan ang mali kong natutunan
Patawarin kung ako man ay naging makasalanan
alam kong di pa huli kaya’t aking papatunayan
Chorus:
Hindi hadlang ang naranasan
para mag bagong buhay
Ilang beses mang nalagay
sa alanganin at paa ay
nasa hukay
Wag kang bumase sa itsura
gawin mokong patunayan
na kahit dati mang gago
mas pinili kong magbago’t
kinalimutan at kailan ma’y
di na babalik
3rd verse:
Lumipas ang ilang taon ang dami ng nag bago sakin
simula nung sinapuso ko ang bawat panalangin
Di ko lubos akalaen na akoy pagpapalaen
sakabilang banda sa dami ng aking masamang gawain
Salamat po ama dahil ako’y di mo pinabayaan
bitbit ko ang aral ng kahapon kong kinamulatan
Simula nung masilayan ko ang aking kasiyahan
ang dalawang anak kona “THIRD PRINCE” maituturing kayamanan
At sa asawa ko na “DANIKA AIRA” walang sawang sumuporta sakin
sa pamilya ko na laging nanjan din para sa-akin
Wala ng jr buang matagal ng tinangay ng hangin
ako ay binansagan ng prinsipe uno samin
Hindi nako yung dating batang kinikilalang buang
wala sa dami ng tattoo ko ang pagiging basihan
Hindi porke burdado ng tattoo ang buong katawan
kilalanin mo muna ko bago moko husgahan
Chorus:
Hindi hadlang ang naranasan
para mag bagong buhay
Ilang beses mang nalagay
sa alanganin at paa ay
nasa hukay
Wag kang bumase sa itsura
gawin mokong patunayan
na kahit dati mang gago
mas pinili kong magbago’t
kinalimutan at kailan ma’y
di na babalik
source
Like and share ❤❤❤
solid lalo chorus lupet nck deezy <3
Lakas utol
Up