December 5, 2020

R C – Ulap (Official Lyrics Video)(Prod. by DiesBeatz)



Ulap
Chorus:
Tayo’y lumipad
Patungo sa ulap
Samahan mo ako
Tingnan ang alapaap
Tanawin natin
Ang mundong malawak
Baka makita
Ang ating hinahanap
Verse:
Tayo lang dalawa ang laging magkasama
At di pwedeng paghiwalayin hindi na yan gagana
Sabay pa natin salubungin ang mga bagong umaga
Tayo ay matatag at wala ng makakasira
Samahan mo ako sa paglalakbay na ito
Wala ng iwanan dapat magpakatotoo
Di na mag iisa nandito ka sa tabi ko
Basta ayoko na mawalay pa sa piling mo
Di ka pababayaan kahit ano ang mangyari
Kung kukunin ka sa akin di na yan maaari
Sa akin ka lang at ayoko ng may kahati
Sa kaarawan mo lang pwede sa iyo ay may bumati
Di na ako titingin sa ibang babae
Yung mga mata ko ay sa iyo lang nakabase
Kung tutuksuhin man ay wala akong pake
Kapag ikaw na ang kasama ako ay kampante
Chorus:
Tayo’y lumipad
Patungo sa ulap
Samahan mo ako
Tingnan ang alapaap
Tanawin natin
Ang mundong malawak
Baka makita
Ang ating hinahanap
Bridge:
Ikaw lang talaga ang gustong makasama2x
Verse:
Samahan mo ako sasamahan din kita
Mahalin mo ako mamahalin din kita
Ganun lang kadali para maging masaya
Pag may problema dadamayan ang isat isa
Tayo lang dalawa ang magkasama habambuhay
Lahat ng aking makakaya sayo ibibigay
Di ko pgpapalit yang kagandahan mong taglay
Susungkitin mga bituin para sayo ay ibigay
Ang aking gagawin ikay mamahalin
Ikay patatawanin di paiiyakin
Ipagpipilitan ko kahit di mo ako pilitin
Kaya pakinggan mo itong aking sasabihin
Chorus:(Bridge)
Tayo’y lumipad
Patungo sa ulap
Samahan mo ako
Tingnan ang alapaap
Tanawin natin
Ang mundong malawak
Baka makita
Ang ating hinahanap(2x)
Nakita ko na ang dapat kong hanapin
Nandito lang sa tabi ko hindi ko napansin
Kaya pala gumaan ang aking damdamin
Ikaw pala yung matagal ko ng hangarin
Malawak man itong ating mundo pero
Tayong dalawa parin ay pinagtagpo
Kaya di na ako magbabago
Para tayo parin hanggang dulo
Chorus(Outro)
Tayo’y lumipad
Patungo sa ulap
Samahan mo ako
Tingnan ang alapaap
Tanawin natin
Ang mundong malawak
Baka makita
Ang ating hinahanap(2x)

source

Comments

comments