November 23, 2020

PAGKAIN AT LUNAS HINDI DAHAS – Edwin Consador (Lyrics video)



PAGKAIN AT LUNAS HINDI DAHAS
Original song written, composed & performed by Edwin Consador
April 2020
————————–
Lyrics:

naghihintay, sa wala
nakanganga…tulala
kumakalam…ang tiyan
kumukulo…ang dugo!

naririnig…dumaraing
mga anak…walang makain
ika’y sumigaw…nagmakaawa
inaresto…pinadapa!

Refrain 1:
Ikinulong sa kahon
ito ba ang solusyon?
Pang-aapi at pandarahas
Sa mamamayang gutom?

Chorus:
Pagkain sa mesa…at panlaban sa pandemya
Ang kailangan ng masa…hindi dahas at bala

nilalagnat…napapraning
dumidilim…ang paningin
walang gamot…walang makain
di makalabas…sa quarantine

tinamaan…ng magaling
di malaman…ang gagawin
naghihintay…sa wala
nalagutan…ng hininga!

Refrain 2:
Inilibing, ikinahon
Di nabigyan ng medikasyon
Kamay na bakal ba ang solusyon
Upang itago ang korapsyon?
[Repeat Chorus)

Bridge:
sisingilin natin…ang dapat singilin
papanagutin…ang dapat panagutin
tumindig at magkaisa
kalampagin ang maling sistema
nasa atin ang lakas, nasa atin ang pag-asa!
[Repeat Chorus]
Chorus 2:
Kung walang pagkain sa mesa
At panglaban sa pandemya
Sambayana’y magkakaisa
Babaguhin ang maling sistema
[Repeat]

Counterpoint & Coda:
Pagkain at lunas! Hindi dahas! [4x]
Hindi dahas!!!!

source

Comments

comments