July 6, 2022

EX BATTALION | Bounty (Makukuha rin kita) | LYRICS VIDEO



PLEASE… LIKE
SHARE
SUBSCRIBE

“Bounty”

Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita yah yah yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita yah yah yah

Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
Di man paspasan konting tyaga lang
Makukuha rin kita

Ano bang sikreto mo bat di ako makuntento
Kelan pa kaya ako magkakaroon ng tyempo
Kung sa tuwing papalapit ako bigla kang pe-preno
Kaya sira ang diskarte ko balik sa dulo
Sya’y iniisip ko may pag-asa bang ibigin mo
Kung sakali mang aminin ko ang pagmamahal ko sasagutin mo
Pero para bang malabo, hinahabol ang tingin mo sa malayo
Di ko maiwasang di matago, kagustuhan ko lang sanang maging tayo
Gusto na kita mula dati pa lang di mo pa ba nahahalata
Kailangan pa bang tayong magturuan para lang matutunan mo na ako’y
Lingunin kahit na sandali matagal ko na to na inaabangan
Kailan sasagutin may pag-asa pa ba o baka naman ay paasahin mo lang

Ang tagal ko na kasing hinihintay
Kung kelan mapapasakin ang yong mga kamay
Konting tiis pwede pa miss pakibilis nainip at nainis
Na mag-antay para lamang sa isang matamis mong kiss
Kahit na ilang oras tag-init man o umulang malakas
Wala kong pake sino mang mabanas
Basta kaya kong mag-antay sa labas
Ng bahay nyo kayang harapin ang tatay mo
Pa-pilipinang nanay mo kasi ang asawahin ka yan ang pinakapakay ko

Pag nagkita masaya na
Hay nako bakit di kita makuha
Bat hindi ka makasama
O Diyos ko gusto ko syang maging asawa

Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita yah yah yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita yah yah yah

Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
Di man paspasan konting tyaga lang
Makukuha rin kita

Alam mo ba na makukuha rin kita
Di ko lang alam kung kelan pero dama ko malapit na
Tatandaan mo bilog ang mundo kaya mainip talo
Kailangan mo na dagain bago ko hilingin na sana sagutin nya ko
Di na ko nainip kakaabang sa iyo na dumating ka
Kaya sanay na akong maghintay habang nilalambing ka
Lagi akong nandito nagbibigay motibo
Para mapansin mo rin ako at mahalin mo
Ikaw ang dahilan kung bat nililibang ko
Sarili ko hanggang yong oo mo ay matikman ko
Darating din tayo dyan yun ang alam ko
Sasagutin mo rin ako at papakasalan mo

Para bang suntok sa buwan walang kasiguraduhan
Kahit sang tingnan parang imposible
Kung ano o pano gawin kahit sapilitan mo ko na mapansin lagi lang pasimple
Lagi natotorpe lapitan ka di rin nakakotse kung minsan pa
Tatagaktak patak ng pawis sa kamiseta sa paglakad mag-isa
Pag nakikita kita ako’y napapangiti
Pag hindi pa nakakancel hindi pa pwedeng umuwi
Sinusulit na masilip ka sa bawat sandali
Padating na ba yung araw na aking pinakahihintay
Ko noon pa sayo o diyos ko
Baka bukas ako na bigla yung gusto
Na hindi ko kayang makuha sa kung ano mang dasal
Di na kita papakawalan mamahalin ng husto

Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita yah yah yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita yah yah yah

Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
Di man paspasan konting tyaga lang
Makukuha rin kita

Pag nagkita masaya na
Hay nako bakit di kita makuha
Bat hindi ka makasama
O Diyos ko gusto ko syang maging asawa

Ayoko na di patas ang mundo para sating dalawa
Hahayaan mo na lang ba kong mahulog
Kasi di ko alam kung napupuna mo ba pagpapapansin ko
Halos mamatay na kakaantay na makagat ang mga labi mo
Sa salamin ako’y nakatingin habang sinasabi ng aking isip

Wag kang mag-alala makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita yah yah yah
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita yah yah yah

Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
Di man paspasan konting tyaga lang
Makukuha rin kita

Pag nagkita masaya na
Hay nako bakit di kita makuha
Bat hindi ka makasama
O Diyos ko gusto ko syang maging asawa

#BOUNTY
#EXBATTALION

source

Comments

comments